Larawan ng isang masipag na ama at asawa ang 50-anyos na si Ariel Capatoy ng Malabon City, dating company driver.
Gaano man daw kabigat ang kanyang trabaho, handa raw niyang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
“Hindi ko iniisip na mahirap ang trabaho basta may makain ang pamilya ko sa araw-araw,” wika ni Ariel.
Aminado si Ariel na mahirap ang maging isang driver. Araw-araw daw kasi ang kanyang pasok kaya naman madalas din siyang makaramdam ng labis na pagod at panghihina.
Subalit sa kabila nito, ipinagwalang-bahala raw ni Ariel ang kanyang mga nararamdaman. Hanggang isang araw, bigla na lamang daw siyang na-stroke sa kalagitnaan ng kanyang biyahe.
“Na-over fatigue ako sa trabaho. Wala akong pahinga talaga dire-diretso ang pasok ko kaya siguro na-stroke ako,” ani Ariel.
Ayon sa isang espesyalista, ang stroke ay isang komplikasyon dulot ng hindi naagapang hypertension at diabetes
“Ang stroke kasi ay secondary na complication ng underlying condition which is hypertension or diabetes. Kung ano ang causes ng diabetes at hypertension ay ganun din ang sanhi stroke,” ani ng doktor.
“Itigil ang paninigarilyo, pag inom ng alak atsaka magkaroon ng tamang dieta. Huwag din niyong ipagsawalang bahala ang inyong hypertension. Kapag masyadong mataas na ang presyon niyo, magpakonsulta na agad sa doktor” payo ng espesyalista upang maiwasan ang stroke.
Tila hindi raw matanggap ni Ariel ang kanyang sinapit. Sapagkat aniya, ang ama na sana ay tumataguyod sa pamilya, nakaratay na lamang ngayon sa banig ng karamdaman.
“Wala na akong maibigay ngayon sa pamilya ko. Iniisip ko kung saan ako kukuha. Ipinapasa-Diyos ko nalang,” emosyonal na wika na Ariel.
Sa kabila ng pagsubok na ito, pangako ng maybahay na si Marivic na mananatili siya sa tabi ni ng kanyang asawa sa hirap man o ginhawa.
“Hanggang sa gumaling siya nandito lang po ako hindi ko ‘yan iiwan kasi ‘yan ang pangako namin nung kinasal kami kahit anong mangyari hindi kami mag iiwanan. Kahit gaano katagal siya maging ganyan aalalayan ko siya hangga’t makakaya ko,” pangako ni Marivic kay Ariel.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.