Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P17 milyong halaga ng smuggled na puting sibuyas mula China na itinago sa mga kontrabando ng “ukay-ukay”.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, idineklara ng consignee ng tatlong container na dry goods tulad ng blouse, tsinelas, pinggan at mga plastic wares ang laman ng kargamento.
Nang isinailalim sa physical examination ang mga kargamento, dito natuklasan na ang laman ng mga container ay mga imported na sibuyas at mga used-clothes o ukay-ukay.
Binalaan ni Ruiz ang mga smugglers na ‘wag nang tangkaing magpuslit ng kontrabando sa loob ng bansa dahil siguradong masusukol ito ng operatiba ng BOC.
“We swore to protect the country’s borders from this kind of illegal activity. If they think they can use the ukay-ukay to hide the onions, they are mistaken,” ani Ruiz.
Inatasan din ni Ruiz ang mga tauhan ng BOC na higpitan pa ang pagmamatyag sa mga containers na naglalaman ng smuggled na sibuyas.
Inaalam na rin ng ahensya ang mga indibidwal at grupo ng mga negosyante na pasimuno sa pagpupuslit ng mga imported na sibuyas at iba pang uri ng smuggled na agricultural products.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.