Umabot na sa 11.2 milyon ang nakapag-rehistro ng kanilang Subscriber Identity Module Card o SIM Card simula Disyembre 27, 2022 hanggang kahapon, Enero 2, 2023.
Base sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), unti-unti nang bumubuti ang server at sistema ng mga telephone companies (telcos) para ma-accommodate ang humigit kumulang 120 million mobile customers sa Pilipinas.
Mas malaki ang bilang ng mobile customers sa Pilipinas kumpara sa bilang ng tao dahil marami sa mga Pinoy ay gumagamit ng higit sa isang SIM card.
Mula sa 11.2 million SIM cards – 5,172,061 ang nakarehistro sa Smart Communications Inc.; 5,030,649 sa Globe Telecom Inc.; at 1,017,012 ang rehistradong DITO subscribers.
Alinsunod sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 11934 o ang “SIM Card Registration Act”, bibigyan ng anim na buwan o 180-days ang mga subscribers na magpa-rehistro simula December 27, 2022 hanggang June 22, 2023.
Pagkatapos ng anim na buwang palugit, pwede ring humingi ng tatlong buwang grace period o extension. Sakaling mapagbigyan, maaaring magpa-rehistro hanggang Oktubre 20, 2023.
Ang mga SIM Card na hindi mairerehistro sa NTC pagkatapos ng itinadhanang iskedyul ng batas ay puputulan ng linya o magiging ‘deactivated’.
Para makapagparehistro, magtungo lamang sa mga link na ito:
DITO Subscribers: https://dito.ph/sim-registration
GLOBE Subscribers: new.globe.com.ph/simreg
SMART Subscribers: smart.com.ph/simreg
Recent News
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.