Dalawang low pressure area (LPA) o sama ng panahon sa Visayas ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung magiging ganap na bagyo na unang tatama sa bansa ngayong 2023.
Sa inilabas na Weather Forecast ng Pagasa (as of 3:00 pm), namataan ang unang LPA sa layong 405 kilometro timog-kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.
Ang pangalawang LPA naman ay nasa layong 205 kilometro hilagang-silangan ng Surigao City sa o nasa eksaktong direksyon ng 125 kilometro sa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa weather bureau, direktang apektado ng dalawang sama ng panahon ang Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, MIMAROPA, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Visayas and Mindanao.
Sa mga lugar na ito, nakataas ang babala ng malakas na buhos ng ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Minomonitor ng Pagasa ang magiging kilos ng dalawang LPA kung ito ay magde-develop bilang ganap na bagyo o malulusaw habang papalapit sa katubigan.
Sakaling maging ganap na bagyo ang alin sa dalawang LPA, tatawagin ito ng Pagasa na bagyong “Amang”.
Samantala, ang Metro Manila, Cagayan Valley, CALABARZON, Aurora at iba pang bahagi ng Luzon ay makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa umiiral na Northeast Monsoon o hanging Amihan.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has further reduced its fee rates
Mandaluyong City – A lucky housewife from Bacoor City, Cavite has become the latest Super
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.