Umabot na sa 641,000 residente mula sa Visayas at Mindanao na biktima ng masamang panahon o “Shear Line” ang nabibigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula noong bago mag-Pasko hanggang sa kasalukuyan.
Sa panayam ng programang Balitanghali kay DSWD spokesperson Asec. Romel Lopez, sinabi nito na nasa mahigit P50 milyon na rin ang nagagamit na pondo ng kagawaran para saklolohan ang mga biktima ng baha at pagguho ng lupa sa Kabisayaan, Bicol Region at Mindanao.
Ayon kay Lopez, bagama’t bahagyang bumubuti na ang lagay ng panahon sa ilang lugar na dinaanan ng shear line nitong Pasko, patuloy pa rin aniya ang pagdami ng mga indibidwal na nahahapit ng krisis.
Katunayan, maging ang mga residente umano ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nangangailangan na rin ng ayuda mula sa DSWD dahil sa nararanasang epekto ng weather system o sama ng panahon.
Ani Lopez, base sa monitoring ng DSWD, nasa 4,146 kabahayan na ang nasira ng shear line simula nang humagupit ito noong nakaraang buwan hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, pinasalamatan ng ahensya ang mga katuwang na local government units (LGUs), mga pribadong asosasyon at NGOs na kaakibat sa paghahatid ng mga food packs, cash assistance at iba pang ayuda.
Batay sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (as of January 3), nasa 6,667 pamilya o katumbas ng 24,400 na indibidwal pa ang nananatili sa higit 100 evacuation centers sa siyam na rehiyon na nahagip ng shear line.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.