Sa ngalan ng magandang kinabukasan, nagtrabaho bilang deck maintenance sa isang cargo ship ang 33-anyos na si Neilberto Segarino ng Tatalon, Quezon City.
Noon pa man ay pangarap na daw niyang maiangat sa buhay ang kanyang pamilya. Kaya gaano man kahirap ang trabaho, handa raw siyang magsakripisyo alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Maraming nagsasabi sakin na ako breadwinner pero ayokong isipin ‘yun, basta ako gusto ko silang tulungan para lahat kami winner,” wika ni Neilberto.
Panganay sa anim na magkakapatid si Neilberto. Pagmamalaki niya, napagtapos niya sa pag aaral ang kanyang mga kapatid.
Dahil sa sipag at tiyaga, unti-unti rin niyang naabot ang kanyang pangarap na makapunta sa iba’t-ibang bansa.
Subalit gayung papausbong pa lamang daw ang kanyang karera, tila agad naman itong naudlot nang magkasakit siya sa bato.
Nito lamang nakaraang taon, hindi na muling nakasampa sa barko si Neilberto nang ma-diagnosed siya ng chronic kidney disease.
“November 2021 sinabihan ako na aalis na raw uli kami kaya nagpa medical examination kami. After a day lumabas yung result na mataas yung creatinine ko kaya nagpacheck-up ako sa doktor and then doon napagalaman na may sakit ako sa bato,” kwento ni Neilberto.
Ayon sa isang espesyalista, ang chronic glomerulonephritis o ang paulit-ulit na urinary tract infection ang karaniwang sanhi ng chronic kidney disease dati sa Pilipinas.
Subalit dahil sa pabagu-bagong lifestyle ng mga Pilipino, ang diabetes at hypertension na raw ang mga nangungunang dahilan ng pagkakasakit sa bato ngayon.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.