Dalawang kasambahay ang humingi ng saklolo sa BITAG dahil sa hindi-makataong pagtrato umano ng kanilang amo.
“Sobrang pang-aapi” ito ang sumbong ng magkarelasyong kasambahay na si Chrezel Abellanosa at Mae Ann Miro.
Reklamo ng dalawang kasambahay, pinagbintangan raw silang nagnakaw ng isang libong piso sa wallet ng amo.
Pilit daw silang pinapaamin ng among babae hanggang umabot sa pinaghubad ang dalawang kasambahay para i-body search.
Ang masahol, wala raw pakialam ang amo sa kanilang pakiusap na sila ay may buwanang dalaw.
“Nagmaka-awa po ako sa amo ko Sir Ben kasi may regla po ako nung oras na ‘yun tapos sabi niya wala daw siya pakialam kahit i-wagwag ko pa raw yung napkin ko” paliwanag ni Mae Ann.
Bukod dito, ipinost raw ang dalawang kasambahay sa social media ng among lalaki at tinawag na mga magnanakaw.
Nakausap ng BITAG ang isa sa mga inirerklamong amo. Depensa ng among babae, wala pang isang buwang naninilbihan Si Chrezel at Mae Ann bilang mga kasambahay ay kataka-takang madami na raw nawawala sa kanilang bahay.
“Innocent until proven guilty,” ito ang iniwang paalala naman ng program host na si Ben Tulfo sa inirereklamong amo.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.