Walong taon nagtrabaho bilang isang OFW sa Hongkong si Liza, hindi niya tunay na pangalan.
Dahil malayo sa pamilya ay naging tradisyon na ni Liza na umuwi ng Pilipinas upang magbakasyon at makasama ang kanyang pamilya.
Nagkaroon daw ng masamang kutob si Lisa sa kanyang mister na isang tricycle driver, nabalitaan kasi ni Lisa na madaling araw na kung umuwi ang asawa kahit na walang pasada.
Napapadalas din daw at halos linggo-linggo kung magpa-change oil ang kanyang asawa.
Dahil dito hindi na daw napigilan ni Liza ang kanyang sarili, isang araw ay sinundan at nag surveillance, ala-BITAG style siya ang kanyang asawa nang magpaalam ito na magpapa-change oil muli.
Ayon sa kwento ni Alyas Liza sa BITAG, nang sundan niya ang kanyanga sawa ay isang teacher daw ang sumakay sa tricycle nito, at imbes na dumaretso sa shop sa motel daw pumasok ang tricycle ng kanyang mister.
Kasama ang mga opisyales ng barangay at Pulis Quezon ay kinatok ni Lisa ang kuwarto ni pinasukan ng kanyang mister at ng teacher sa loob ng Motel, bihis na raw ang dalawa ng buksan niala ang pinto.
Katwiran ni mister, nakiki-WIFI at nagpapraktis lang daw sila ng TikTok ni Teacher!
Dahil sa nasaksihan ay agad nagsampa ng kasong concubinage si Lisa laban sa kanyang mister ngunit kalaunan ay na dismissed ang kaso.
Panawagan ni Lisa sa BITAG, matulungan siyang habulin at kasuhan ng kasong administratibo ang teacher na kasama ng kanyang asawa sa Motel.
Sinubukan ng BITAG kuhanan ng panig ang inirereklamong teacher ngunit hindi ito sumagot sa BITAG.
Ayon naman sa principal ng eskwelahan kung saaan nagtuturo ang teacher, ipapatawag nila ang teacher upang makausap ng harapan, nangako din ang principal na tututlungan si Lisa na magsampa ng kasong administratibo.
Balikan buong interview ng BITAG kay Alyas Lisa, PANOORIN:
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.