Anim na miyembro ng UST Judo Juniors Team ang personal na bumisita sa tanggapan ng BITAG sa Timog, Quezon City matapos makaramdam ng pangamba nang sitahin sila ng isang pulis-Maynila sa kalsada.
Bago matapos ang taon, personal na hinarap ni Mr. Ben Tulfo ang anim na atleta kasama ang kanilang mga magulang at ang kanilang coach na si Russel Cundungan.
Humingi ng tulong at payo ang mga atleta sa BITAG matapos silang sitahin ni Police Corporal Marvin Castro nakaraang December 18, 2022.
Batay sa pahayag ng mga atleta sa programang #ipaBITAGmo, nagsisigawan daw sila sa tuwa habang naglalakad pauwi sa kanilang dormitory. Galing ang anim na atleta sa UAAP Season 85 ng gabing iyon kung saan itinanghal silang overall champion sa Judo Junior High School Division.
Suot daw ng mga atleta ang kanilang mga uniporme noon at dala-dala din ang medalya na kanilang napanalunan.
“Pinatigil po kami nung pulis, 5 steps away na lang po kami sa dorm namin, ang sabi ng pulis maingay daw po kami tapos pinapasakay po kami sa police mobile. ‘Dun po kami natakot kasi sa una, parang na-shock kami kasi madilim” paliwanag ng isang atleta sa BITAG.
Natakot daw ang mga atleta ng maglabas ng baril ang pulis kaya agad daw nilang tinawagan ang kanilang coach upang ibalita ang sitwasyon.
Ayon sa coach ng mga atleta, nakaramdam daw ng ‘imminent danger’ ang pulis kaya niya nailabas ang kanyang baril.
Tinawagan ng BITAG ang inirereklamong pulis na si PCPL Marvin Castro. Ayon kay Castro ginawa lang daw niya ang kanyang trabaho bilang pulis, tumanggi din siyang magpa-interview sa programa ng BITAG.
Samantala, nakausap ng BITAG si Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Dizon, ayon sa kanya may ibang responde si Castro ng oras na iyon.
“Nagkataon lang na nandun siya Sir Ben, may natanggap na tawag yung presinto about sa domestic violence yun yung rerespondehan nila, by chance lang niya nakita yung mga bata na nagche-cheer sa kalsada kaya agad daw po niya itong sinaway” paliwanag ni PBGEN Dizon.
“Dun po sa tanong na kung alam ba na minor sir, ang unang impression ng pulis hindi niya inakala na mga bata pa kasi sa mga physical features po malalaking bulas pero ng malaman na mga minor ni-refer po sa barangay agad para makausap yung guardian or parents”
Humingi rin ng paumanhin si Dizon sa mga atleta at mga magulang nito, handa raw silang harapin ang karampatang parusang ibibigay kung mapatunayang nagkaoron ng pagkakamali ang inirereklamong pulis-Maynila.
Balikan ang buong imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito, Panoorin;
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.