Isang kaso ng parricide ang tinutukan noon ng Bitag Crime Desk kung saan isang padre de pamilya sa Tala, Caloocan City ang napatay ng sarili niyang anak sa mismong araw ng bagong taon.
January 1, 2019, isang masalimuot na bagong taon ang sinalubong ng pamilya Magbanua matapos bugbugin at hatawin ng tubo sa ulo ng 27-anyos na suspek na si Rhenzie ang kanyang amang si Mang Lito –isang stroke survivor.
Kwento ng nakababatang kapatid na si Rhona, alas siyete y media nang gabing iyon nang umuwing lasing si Rhenzie sa kanilang tahanan at isinagawa ang pambubugbog
Sinubukan daw ni Rhona na awatin ang kanyang kapatid subalit pati siya ay nadamay din sa pambubugbog nito.
Ayon kay Rhona, nalulong daw sa alak at paggamit ng ilegal na droga ang kanyang kapatid na naging sanhi ng bayolente nitong pag uugali.
Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang bugbog saradong si Mang Lito subalit agad din itong binawian ng buhay dahil sa matinding pagdurugo sa utak.
Dahil sa pagkamatay ni Mang Lito sa kamay ng sarili niyang anak, sinampahan ng kasong parricide si Rhenzie.
Samantala sa patuloy na isinagawang imbestigasyon sa nangyaring krimen, isang nakakakilabot na lihim ang nabunyag ng kapulisan na matagal nang itinatago ng pamilya Magbanua.
“Nagulat kami during our the conduct of our investigation, matagal itinago ng kanilang pamilya na pati pala ang kanilang nanay ay pinatay nitong si Rhenzie noong November 2, 2017” ani PCI. Enrique Torres, hepe ng Investigation Section ng Caloocan City Police .
Ano naman ang kwento sa likod ng pagpaslang ni Rhenzie sa kanyang ina? Anu-ano pa ang mga rebelasyong ibinunyag ng magkakapatid na Magbanua sa mga awtoridad?
Alamin ang buong istorya sa:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.