Isa sa mga tumatak na kumprontasyon ng BITAG ay nangyari sa pagitan ng mga operatiba ng ANCAR sa Caloocan.
Nagsimula ito noong dumulog sa BITAG ang nanginginig at tarantang-taranta mga kababaihan.
Nahuli daw ang kanilang kamag-anak ng mga pulis ng Anti-Carnapping Unit (ANCAR) ng Caloocan Police Station 6 sa kasong droga.
Hinihingian umano sila ng P30,000 kapalit ng kalayaan ng kanilang mga kaanak. Banta raw ng mga operatiba ng ANCAR, tuluyan nilang kakasuhan para ma-inquest ang kanilang mga kamag-anak.
Ayon sa mga nagsusumbong, namimili lamang daw ng paninda sa Quiapo ang kanilang mga kamag-anak nang mahuli ng mga operatiba ng ANCAR.
Nakita ng BITAG, ang maling proseso ng mga inirereklamong operatiba, lalo’t hindi nila saklaw ang anti-illegal drugs operation.
Agad itong itinimbre ng BITAG sa noo’y Northern Police District Director C/Supt. Samuel Pagdilao.
Nagbigay ng “go signal” si Gen. Pagdilao sa BITAG na kumprontahin ang mga sangkot na pulis.
Nang makarating ang BITAG sa nasabing station, nasilip nito ang kalagayan ng mga nakakulong na biktima.
Personal ding nakaharap ng BITAG ang Chief of Police ng Caloocan.
Maging siya nagtataka kung bakit ANCAR ang nagsagawa ng drug operation. Hindi rin daw niya alam na may operasyong isinagawa ang ANCAR.
Ilang sandali, dumating ang mga arresting officers, ayon sa kanila nais lang daw nilang sorpresahin ang kanilang hepe sa kanilang “accomplishment” kuno.
Napagalaman din na wala silang ginawang koordinasyon mula sa Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang ginawang operasyon.
Panoorin at muling balikan ang “Classic” na kumprontasyon ng bitag sa mga tiwaling pulis.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.