“Once and for all, stop na itong malicious accusations against all PNP personnel especially ‘yung mga third-level officers…”
Ito ang naging batayan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kung bakit kailangang humantong sa tila malaking sakripisyo ang pamamaraan para malinis ang hanay ng Pambansang Kapulisan laban sa mga “ninja cops” na sumisira sa imahe ng kapulisan.
Sa isang press conference ngayong araw, inilahad ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. ang mga kadahilanan kung bakit inirekomenda sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panawagang mag-resign ang mga aktibong colonel at heneral ng PNP.
Ito ay sa harap ng mas seryoso at intensibong anti-drugs campaign ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Azurin, panahon na aniya na para mag-alay ng sakripisyo ang mga senior officers ng PNP upang tuluyang malinis ang hanay ng Kapulisan.
“Ang mahirap kasi diyan eh, parang lahat na lang sa PNP lahat kami involved. Kaya nga ang sabi ko we will submit ourselves for the evaluation,” ani Azurin.
Kailangan din aniyang mabura at malinawan ang public perception o pananaw ng publiko na namamayagpag pa rin ang mga “ninja cops” sa hanay ng PNP.
“‘Yung public perception kasi sinasabi, ‘yan nakabalik na naman ang mga ‘ninja cops’. Para bang lahat na lang ay walang ginagawa. Kahit mayroong internal cleansing ang ating PNP, parang pinalalabas ng iba ay ‘moro-moro’ kaya sabi ko nga, this must be stopped. We subject ourselves to an evaluation and assessment para ‘pag na-clear ka, wala ng babalikan na diba tao ni kuwan ‘yan!?”
Naglabas din ng sentimyento ang PNP chief sa mga kritiko at naninira sa PNP.
“Imbes na tulungan ang PNP, dini-distract pa nila ang trabaho namin by accusing our officers in involvement. Why they just name names? Para ‘yun ang tumbukin natin, hindi yung always the PNP,” ani Azurin.
Samantala, nilinaw ni Azurin na walang exempted sa panawagan ng DILG na courtesy resignation para bigyang daan ang evaluation sa mahigit 900 third-level officers ng PNP.
“Lahat kami pati ‘yung mga naka-schedule na ng retirement. So kung aabutan ka ng retirement habang isinasagawa ang assessment, so be it. So kailangan mag-submit ka then go on to the process, then kahit retired na siguro kapag clear ka na ng committee that is the time na you will be cleared – at least medyo may yabang ka naman, hindi yung lagi na lang questionable ‘yung integrity mo. Puro na lang ‘marites’ tayo eh,” giit ng PNP chief.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.