“Sino ba naman ako para tawagan ni Mr. Ben Tulfo?”
Ito ang pagpapakumbabang pahayag ng 65-anyos na si Helen Gonzales ng Mandaluyong City matapos makatanggap ng isang hindi inaasahang tawag mula sa chief executive officer (CEO) at host ng Bitag Multimedia Network na si Ben Tulfo.
Para sa isang tagasubaybay ng mga programa ng Bitag, hindi raw siya lubos makapaniwala nang makausap niya ang batikang journalist na si Tulfo sa isang tawag sa telepono noong March 11, 2022.
“Actually na-surprise ako kasi imagine tatawagan ka ni Mr. Ben Tulfo? Masaya ako kasi sino ba ako? Hindi naman ako kilala ni Mr. Ben Tulfo pero masaya akong nakipagusap sakanya. kasi napapanood ko lang siya sa T.V e tapos biglang tatawagan ako wow,” ani Helen.
Kwento ng ginang, kinamusta raw siya ni Tulfo hingil sa kanyang kalusugan kung saan nabanggit niya rito na mayroon siyang iniindang kirot sa kaliwang dibdib.
Subalit dahil sa takot na mahawa ng COVID-19, sambit ni Helen kay Tulfo, hindi na raw siya muling nakabalik pa sa doktor upang magpatingin simula nang magkapandemya noong March 2020.
“Natakot kami sa pandemic kasi feeling ko kapag pumunta ka ng hospital mahahawa ka sa COVID-19 so hindi nalang kami nagpacheck up,” ani Helen.
At dahil pareho raw silang senior citizen ng kanyang mister, todong pag iingat nalang daw ang kanilang ginagawa upang makaiwas sa virus.
“Lagi kaming naghuhugas ng kamay, at once na may deliveries, I see to it na ang aming item na inorder ay aming iniisprayan ng alcohol. Ang asawa ko naman pag bibili ng gamot sa labas maliligo muna siya bago pumasok ng bahay,” saad ni Helen.
“Ang nakakatakot kasi dadalawa lang kami ng mister ko sa bahay. Once na magkasakit kami, kawawa kami,” dagdag niya.
Pinayuhan naman ni Tulfo ang mag asawa na pangalagaan ang kanilang mga kalusugan gayundin ang bumisita sa doktor upang ipatingin ang kanilang mga nararamdaman.
“Ang masasabi ko kay Mr. Ben Tulfo hulog ka ng langit kasi it’s a blessing na matawagan kami so masayang-masaya kaming mag asawa. Ang tanging masasabi ko lang God bless, Mr. Ben Tulfo and the staff,” pasasalamat ni Helen kay Tulfo.
Si Helen ay isa sa mga itinampok ng Bitag sa programang TOTOO na may layuning magbigay kaalaman ukol sa usaping medikal base sa mga karanasan ng mga taong may karamdaman.
Ibinahagi ni Helen sa BITAG na sa tulong ng Kings Premium 825mL, maginhawa ang kayang katawan sa kabila ng iniinsang karamdaman.
Samantala, payo naman ng espesyalista sa mga senior citizens na huwag ipagsawalang bahala ang kanilang mga nararamdaman at agad itong ipatingin sa doktor upang maagapan.
“May mga standard precautions naman po sa ating mga ospital o klinika para sa COVID-19 prevention. Huwag pong mag atubiling mag pa-check up kung may mga nararamdaman dahil ang prevention is always better than cure,” paghihimok ng doktor.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.