Target ng Commission on Elections (Comelec) na tapusin sa susunod na buwan ang imprenta sa 91 milyong balota na gagamitin para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, sinisikap nilang isaayos ang lahat ng paghahanda para sa barangay elections.
Batay sa nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., itinakda ang bagong iskedyul ng BSKE sa huling Lunes ng Oktubre ngayong taon.
Pero giit ni Garcia, nakahanda rin ang komisyon sakaling ipag-utos ng Korte Suprema na agahan ang pagdaraos ng halalan.
“Almost complete na sa lahat ng mga materyales. Ang mga balota ipi-print namin 91 million ballots plus ‘yung dagdag na mga balota na result ng registration na bago hanggang second week ng February,” pahayag ni Garcia sa Laging Handa Public Briefing ngayong Biyernes, Jan. 6.
Sinabi ni Garcia na inihanda na rin lahat ni Comelec Commissioner Rey Bula ang mga materyales at gagamiting paraphernalia para sa 2023 barangay at SK elections.
Si Bula ang naatasang commissioner-in-charge para sa nakatakdang halalan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.