Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa mga deboto na may nararamdamang sipon, ubo o lagnat sa mismong araw ng Kapistahan ng Itim na Nazareno na ‘wag nang makihalubilo sa pagtitipon upang hindi makahawa sa ibang tao.
Ayon sa DOH National Capital Region (NCR), nakataas sa “white code” ang alarma sa lahat ng mga pagamutan sa Kalakhang Maynila sa mismong araw ng pagdiriwang ng Pista ng Black Nazarene.
Layon nitong taasan ang kapasidad at alerto ng mga pampublikong ospital para tumanggap at mag-assist sakaling may nasaktang deboto.
Taon-taon hindi bababa sa daan libong katao ang lumalahok sa Kapistahan ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Ngayong taon, dadalhin ang poon ng Itim na Nazareno sa open ground ng Quirino Grandstand upang doon magsagawa ng misa at maikling prusisyon.
Nangangamba ang DOH na magkaroon ng malawakang hawaan ng iba’t ibang sakit tulad ng Covid-19 dahil maluwag na ang protocol sa mga public gatherings at church activities.
Sa panayam ng SMNI, sinabi ni DOH-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria Balboa na 24-oras nan aka-alerto ang mga ospital sa January 9 para magbigay ng lunas sa mga mangangailangan ng medical attention.
Pinaalalahanan din ni Balboa ang mga deboto na magsuot ng face mask at huwag nang makihalubilo kung may mga nararamdamang sipon, lagnat o ubo.
Una nang ibinabala ng DOH ang pagdami ng mga kaso ng ubo, sipon at trangkaso dahil sa paglamig ng klima at maulang panahon.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.