Nalusaw na ang binabantayang sama ng panahon o low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Visayas, pero maulan pa rin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa umiiral na Shear Line at Northeast Monsoon.
Narito ang magiging lagay ng panahon ngayong maghapon ng Sabado, Enero 7, 2023.
Ayon sa Daily Weather Forecast ng Pagasa, ang Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ay nakakaranas ng maulap na papawirin at may kalat-kalat hanggang sa may kalakasang pag-ulan dahil sa umiiral na Shear Line at epekto ng low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay magkakaroon din ng kalat-kalat na pag-ambon hanggang sa mahinang pag-ulan sanhi ng Northeast Monsoon o hanging amihan.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng minsanang pag-ulan at makulimlim na papawirin dahil sa epekto ng shear line at Localized Thunderstorm.
Nakataas pa rin ang babala ng pagguho ng lupa at flash flood sa mga lugar na uulanin.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.