Pinaalalahanan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang publiko sa modus ng mga “scammer” na nag-aalok ng free assistance at online assistance para sa pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module Card o SIM Card.
Kumakalat sa ilang social media page ang mga nag-aalok ng tulong sa mga subscriber na hindi alam ang proseso ng registration.
May ilang indibidwal din ang nag-aalok ng online assistance kapalit ng bayad o assistance fee.
Paglilinaw ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, libre ang SIM card registration at wala ring sinisingil na bayad ang mga telephone companies (Telcos) kaya hindi na kailangang humingi pa ng tulong ng iba.
Hinala ng NTC, posibleng modus lamang ito ng mga scammer para makuha at magamit ang personal data ng mga inaalok nila ng ‘free assistance’.
Ani Salvahan, posibleng magamit ang identity ng mga nabibiktimang subscriber para makapag rehistro ng SIM Cards at kalaunan ay gagamitin sa kalokohan o krimen.
Paalala ng NTC, ‘wag ibibigay sa mga estranghero ang mga personal na detalye at IDs upang hindi magamit sa cybercrimes.
Ayon kay Salvahan inaayos na nila ang ilalabas na “text blast” para paalalahanan ang publiko laban sa mga nag-aalok ng SIM Card online assistance.
Mahigpit din ang babala ng NTC sa mga subscribers na may kaakibat na multa at kulong ang sinumang gagamit ng pekeng detalye o dokumento sa pagpaparehistro ng mobile numbers.
Para sa mga gusting magrehistro ng mobile numbers, pasukin lamang ang link na ito:
Globe: https://new.globe.com.ph/simreg
Smart: https://smart.com.ph/simreg
DITO: https://dito.ph/RegisterDITO
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.