Isang pamilya ng mga mekaniko ang lumapit sa public service program ng BITAG matapos silang ma-stranded sa Ilocos Sur ng walong araw.
Sa kwento ni Camille sa BITAG, nitong nakaraan ay bumyahe ang kanilang pamilya pa Ilocos Sur upang maghatid ng kanilang serbisyo bilang mga mekaniko.
Ang kanilang naging kliyente ay isang kilalang engineer sa Ilocos Sur, nagpa-ayos daw ito ng apat na sasakyan na nasira dahil sa baha.
Naayos at napagana daw nila ang apat na sasakyan ngunit ang problema ay ayaw daw magbayad ng inirereklamong engineer.
“Malaki rin po ang puhunan namin sa pagpapabalik balik dito tapos hindi kami babayaran. Ang masama po, sinira pa raw po namin. Nabenta na po ‘yung mga sasakyan tapos wala pa raw po kami nagawa, sinira pa raw po naming pero pano po nila nabenta kung sinira po namin? Umaandar po yung sasakyan nung iniwan namin sa kanila” paliwanag ni Camille sa BITAG.
Walong araw na-istranded sa loob ng kanilang sasakyan ang mag-anak ni Camille dahil sa kawalan ng pang-gas pauwi ng Quezon City.
Nagkaroon ng pagkakataon ang BITAG na makausap ang Engineer na inirereklamo, paliwanag nito hindi daw nagawa ng mga mekaniko ang apat na sasakyan kaya ibinenta na lang nila ang mga sasakyan.
Samantala nag-iwan ng paalala ang BITAG sa Engineer; “Kapag tayo ay kumuha ng serbisyo maging tapat tayo na bayaran ang serbisyong kanilang ginawa, ang mga simpleng taong ito hindi magrereklamo sa BITAG kung mga manloloko. Ang layo-layo ng Ilocos, pinuntahan kayo para kumita hindi para manloko. Do not play with me! Tatlo lang ang pagpipilian niyo, aaregluhin, aayusin o babayaran ninyo. Alin ang pipiliin niyo?!”
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa reklamong ito:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.