Malaki ang naitutulong ng mga dentista sa kalusugan upang mapanatiling malusog at matibay ang ating mga ngipin.
Pero may mga ilan, sa halip na mapaganda at maayos ang kanilang sirang ngipin, mas lumala ang naging problema.
Dahil ang kanilang nilapitang dentista lingid sa kanilang kaalaman ay peke at impostor pala.
Gaya ng isang ginang na lumapit sa BITAG, taong 2007 nang mabiktima siya ng isang bogus na dentista.
Ibinahagi niya sa BITAG at Philippine Dental Association (PDA) ang masakit na karanasang dinanas niya sa kamay ng pekend dentista na nakilalang si Antonio Cabrera.
Upang makumpirma ang sumbong, agad nagpalakad ng undercover ang BITAG upang maidokumento ang paraan ng “pangangalikot” ng ngipin ng inirereklamong si Cabrera.
Kasama ang isang lehitimo’t lisensiyadong dentista, nagpakonsulta ang BITAG undercover kay Cabrera.
Walang kamalay-malay ang subject na ino-obserbahan na siya ng isang lehitimong dentista habang chine-check up ang pasyenteng BITAG undercover.
Ang kasama ng BITAG na dentista, nandiri at napailing sa naging paraan ng paghawak sa pasyente ng subject.
Ayon sa PDA, hindi sapat na mayroong klinika ang isang dentista, kailangan nakapaskil o display ang lahat ng kanilang mga credentials, diploma, business permit at lisensya mula sa Professional Regulatory Board o PRC.
Kailangan may malinis at sanitize ang kanyang mga dental equipment at instrument.
Panoorin ang aktuwal na transaksiyon at ikinasang operasyon ng BITAG, PDA at Philippine National Police sa bogus na dentista sa BITAG Classic Episode na ito:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.