Sa murang edad na 16 years old ay nagkaroon ng tatlong anak si Ericka Mae, ngayon ay 23-anyos na. Sa hindi umano pagkakaintindihan ay nakipaghiwalay siya sa tatay ng kanyang mga anak.
Taong 2022 ay nakilala ni Ericka si Mark Joseph na kalauanan ay naging kasintahan. Nagkarooon din sila ng isang anak.
Ang kanyang bagong silang na anak ay naiwan sa pangangalaga ng ina ni Ericka.
Aminado si Ericka na wala siyang sapat na kakayahan para suportahan ang kanyang mga anak. Sa katunayan ay ang kaniyang ama ang tumutulong sa pagpapalaki ng kaniyang naunang tatlong anak.
Ayon kay Ericka, lumapit siya sa BITAG upang matulungan siyang makausap ang kanyang ina. Ipinatutubos daw nito ang kanyang bagong silang na sanggol sa halagang P12,000.
Agad kinuha ng BITAG ang panig ng ina ni Ericka at naging madadamin ang mga sagot ng ginang sa mga katunungan ng program host na si Mr. Ben Tulfo.
“Umuwi po yan dito na buntis na, magka-away daw sila ng kanyang boyfriend sumatotal po alam na naming ng asawa ko na kami na naman po ang sasagot, sa tatlong anak niya po kami na ho, tapos ito pong isa kami pa rin, kinakapos po kami at nababaon na sa utang” paliwanag ng ina ni Ericka.
Bilang ina ni Ericka at lola sa kanyang mga apo, wala daw siyang ibang hangad kundi ang malagay lamang sa magandang sitwasyon ang mga bata. Huminto pa nga raw siya sa kanyang trabaho para lang maalagaan ang mga ito.
“Mahirap po mag-alaga dahil sunod-sunod po ang edad nila, mahirap po para sa akin dahil may edad na po ako, hindi ko rin po alam kung bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon. Nagkamail na siya minsan, inulit pa ho ulit. Huminto po ako Sir Ben sa trabaho para maalagaan ko ang mga apo ko” paliwang ng ina ni Ericka.
Ang naging solusyon sa sumbong na ito, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.