Taong 2019 nang may mag-alok kay “Ann” hindi niya tunay na pangalan ng trabaho bilang isang masahista o massage therapist.
Dahil sa pangakong P20,000 na sahod kada buwan, libreng pagkain at libre ring accommodation ay lumuwas pa-Metro Manila si Ann para sa makapagtrabaho.
Sa unang araw ng trabaho ni Ann, laking gulat niya ng pagsuotin agad siya ng “sexy clothes” dahil naghihintay na raw ang una niyang kliyente na isang Chinese national.
“Nagtaka po ako kung bakit kailangan naming magsuot ng ganun dahil ang alam ko naka-uniporme ang masahista, hindi naming inaasahan na may extra service pala, dahil kailangan kong kumita, kinagat ko na po ang trabaho”
Sa kagustuhan niya raw kumita at walang pamasahe pauwi ng probinsya, pikit-matang ginawa ni Ann ang “extra service” na hinihingi ng mga kliyente.
Sumbong ni Ann sa BITAG, hindi raw nila nahahawakan ang sahod at pera na kanilang pinagtatrabahuhan.
“Ni pisong duling, hindi po naming nahahawakan yung kinikita namin dahil ang sabi po nila iipunan daw po nila ‘yun, kapag bumale lang dun lang po kami nagkaka-pera”
Agad nilapit ng BITAG ang reklamong ito sa Anti-Human Trafficking Division ng NBI at ayon kay Atty. Janet Francisco. Matatawag umano na biktima si Ann ng “human trafficking” ganoon din ang kaniyang mga kasamahan.
“Base sa impormasyon na mayroon tayo, dahil may panloloko at may transportation from one province to another at may exploitation pa po, mayroon na pong violation sa Anti-Human Trafficking” ayon kay Atty. Janet Francisco.
Samantala, nagbigay babala din ang NBI sa publiko na huwag magpapalinlang sa mga nag-aalok ng trabaho na may malaking pasahod, malimit daw gamitin ng mga sindikato ang kahirapan at kahinahan ng mga tinatarget nilang biktima.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG at NBI sa kasong ito;
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.