Patuloy na nagpapaalala ang BITAG sa publiko hinggil sa mga isyu ng pangungutang.
Babala lagi ng BITAG, hinay-hinay sa panghihiram sa mga financial institutions lalo na sa mga online lending applications o OLA.
Huwag ding mag-guarantor o magpagamit ng pangalan at dokumento, mapakaibigan man o kaanak na mangungutang.
Katulad ng inilapit sa Bitag ng isang sales representative na si Shirlyn.
Sinisingil na siya ng isang financial institution dahil sa utang. Ang problema, ang kaniyang bestfriend ang nangutang gamit ang kaniyang dokumento’t pangalan – hindi ito nakapagbayad.
April 2019, nang naisipan daw bumili ni kaniyang bestfriend ng bagong cellphone ngunit dahil wala pa itong sapat na perang pambili ay naisipan nitong kumuha ng loan sa Home Credit.
Upang mabilis na ma-aprubahan ang kanyang loan ay nakiusap daw ang kaibigan kay Shirlyn na kung pwede bang gamitin kaniyanh ang pangalan at account sa Home Credit.
Dahil matagal ng magkaibigan at magkasama rin sila sa trabaho nagtiwala si Shirlyn sa kaniyang bestfriend.
“Humihingi po ako ng tulong dahil ang dati kong kasamahan sa trabaho ay ginamit ang pangalan ko sa Home Credit. Dahil sa sobrang tiwala at pakikisama pinagamit ko po ang panglan ko” paliwang ni Shirlyn sa BITAG.
Nang ma-aprubahan ang loan para sa biniling cellphone ay nagkaroon daw ng problema si Shirlyn sa paniningil sa kaibigan dahil hindi na raw ito nagparamdam.
Hindi na raw makatulog sa gabi ang nagrereklamong si Shirlyn dahil siya ang hinahabol ng Home Credit sa utang na hindi naman dumaan sa kanyang palad.
Bagamat may responsibilidad ang kaibigan ni Shirlyn na bayaran at wag takbuhan ang utang nito, ipinaliwanag ng program host na si Mr. Ben Tulfo kay Shirlyn na obligasyon na rin niyang bayaran ang nasabing utang dahil sa pagpayag niyang ipagamit ang kanyang pangalan.
Sa pakikipag-ugnayan ng BITAG sa Home Credit Philippines, paalala ni Ken Lerona, Head of Public relations ng Home Credit sa publiko, huwag na huwag ipapagamit ang pangalan o account sa ibang tao.
“Importanteng kapag papasok tayo sa mga financial transactions o anumang kontrata dapat binabasa natin kung ano yung pinipirmahin natin, importanten rin na huwag na huwag ipagamit ng panglan, id at pirma dahil kung ano ang nakasulat sa kontrata yun ang kikilalanin ng institusyon” paliwang ni Ken Lerona sa BITAG.
Kinuha rin ng BITAG ang panig ng inirereklamong bestfriend ni Shirlyb, ayon sa kanya ay nagkaroon lang daw ng hindi pagkakaintindihan tungkol sa bayaran ng utang.
Hindi niya daw intension na takbuhan ang kanyang responsibilidad kay Shirlyn.
Ang naging solusyon ng BITAG sa sumbong na ito – balikan ang imbestigasyon:
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.