Sino bang hindi matatakam sa mga paborito nating seafood tulad ng alimango, sugpo at lobster?
Ang lahat ng ito ay masarap subalit tandaan – ang lahat ng sobra ay nakakasama.
Si Clarita Tamayo ng Pasig City, 74-anyos, aminadong napasarap sa pagkain ng kaniyang mga paboritong seafoods noong kaniyang kabataan.
Dating nagtratrabaho bilang factory worker si Clarita. Aniya, seafood daw ang paborito nilang lantakan ng kanyang mga katrabaho sa tuwing nagkakayayaang lumabas ang kanilang grupo.
“Yung mga katrabaho ko noon madalas kaming kumain sa mga sikat na restaurant. Punta kami sa ganito, ganyan lalo na tuwing sweldo. Madalas kaming nagpapaluto noon ng seafood lalo na yung malalaking sugpo saka alimango sa seaside,” kwento ni Clarita.
Tila linggo-linggo raw kung kumain sila ng paborito nilang seafood, kaya naman si Clarita, nagsimula na raw makaramdam ng altapresyon gayundin ng iba pang mga sintomas nito kinalaunan.
“Palagi akong nahihilo, minsan nanlalamig ang mga pawis ko parang hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko,” ani Clarita.
Hindi raw lingid sa kaalaman ni Clarita na nasa dugo ng kanyang pamilya ang pagkakaroon ng hypertension. Subalit noong mga panahong iyon, hindi niya inalintana ang kanyang kalusugan.
“Wala namang nagsisisi sa umpisa, palaging sa huli,” wika ni Clarita, “syempre malakas pa tayo eh. Nawala sa isip ko kasi wala pa naman akong nararamdaman noon.”
Ayon sa isang espesyalista, ang hypertension o highblood ay ang labis na pagtaas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat.
Ang karamdamang ito ay maaari raw namamana. Iilan pa sa mga sanhi nito ay sobrang pagkonsumo ng maaalat na pagkain, paninigarilyo, pag inom ng alak, at kakulangan sa ehersisyo.
Kapag ito ay napabayaan, maaari raw itong humantong sa malubhang komplikasyon tulad ng atake sa puso, stroke at sakit sa bato.
“Kung may nararamdaman na dahil sa altapresyon, maaaring huli na tayo sa paggamot nito, kaya huwag isasawalang bahala akapag mataas ang blood pressure. Pag mataas na ang presyon, dapat na kayong magpatingin sa doktor,” payo ng espesyalista.
Si Clarita ay isa sa mga itinampok noon ng programang TOTOO sa Bitag Live na nagbahagi ng kanyang istorya ng pag asa sa tulong ng Kings Premium Food Supplement 825ml.
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.