Nadakip na ng operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang primary suspek sa pagpaslang sa isang persons with disability (PWD) na may diperensya sa pag-iisip sa Malolos, Bulacan.
Ayon sa ulat ng Bulacan PNP, nasakote sa ikinasang manhunt operation ang suspek na si Joshua Paul Magpayo a.k.a. “Intsik”, 18, miyembro ng street gang na Malolos Bad Child (MBC).
Sa panayam ng BITAG Media Digital (BMD) sa imbestigador ng kaso na si PSSg Alberto Escartin, si Magpayo umano ang itinuturong primary suspek sa pagpatay sa PWD na si Christopher Velasco.
Base sa imbestigasyon ng Bulacan PNP, pinagtripan ng naturang gang ang suspek at pinagsasaksak hanggang sa ito ay mapatay noong kasagsagan ng salubong sa Bagong Taon.
Nadakip ang suspek sa Brgy. Caniogan, Malolos City, Bulacan noong Biyernes, Jan. 6, 2023.
Tinangka pa umano nitong manlaban sa operatiba gamit ang sukbit na kitchen knife, pero napigil ito ng mga pulis.
Nakumpiska sa suspek ang isang sling bag na naglalaman ng isang plastic sachet na may laman ng hinihinalang marijuana fruiting tops; tatlong pirasong papel na naglalaman ng hinihinalang marijuana; isang improvised glass tube; at isang kitchen knife.
Himas-rehas ngayon ang suspek sa Malolos Police Station habang inihahanda ang kasong murder, direct assault, resistance and disobedience at paglabag sa B.P. 6 at Sec. 11 at 12 ng art. 11 ng RA 9165.
Samantala, sa hiwalay na operasyon, naaresto ang isa pang suspek na miyembro rin ng naturang gang. Dahil menor-de-edad, dinala ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.