Abante na sa best-of-seven series ng 2022-2023 PBA Commissioner’s Cup Finals ang crowd favorite na Barangay Ginebra San Miguel, matapos ang impresibong panalo sa Game 5 ng serye kagabi (Jan. 8), kontra sa karibal na Bay Area Dragons.
Tinalo ng Ginebra ang power house team sa iskor na 101-91 para makuha ang 3-2 lead sa serye. Isang panalo na lang ang kailangan ng koponan ni Coach Tim Cone para selyohan ang kampeonato ng Commissioner’s Cup season 47.
Kumamada ng 37 points ang reigning 3-time Best Import na si Justin Brownlee at dinagdagan ito ng 20 points ni Stanley Pringle. Maganda rin ang nilaro ng big man ng Ginebra na si Japeth Aguilar na nag-ambag ng 12 points para masungkit nila ang panalo.
Tanging sina Blankley (29 points), Lam (16pts.), Zheng (15pts.) at Liu (10pts.) ang nakapagtala ng double figure sa mga manlalaro ng Bay Area Dragons.
Nahirapan ang guest team na idikit ang laban dahil naka-bangko pa rin ang dalawa nilang import na sina Andrew Nicholson at Myles Powell dahil sa injury.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Game 6 ng serye sa Miyerkules, January 11 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pwede nang itakbo ng Barangay Ginebra San Miguel ang kampeonato sa Game 6, pero pwede ring silatin ng Bay Area Dragons ang panalo para pilitin ang do-or-die winner-take-all championship sa Game 7 sa Biyernes, Dec. 13.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.