Halos pumalo na sa 600 heneral at colonel ng Philippine National Police (PNP) ang nakapaghain na ng courtesy resignation sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa Office of the President.
Ito ang kinumpirma ni PNP chief police General Rodolfo Azurnin Jr. ngayong Lunes, Jan. 9, kasunod ng panawagan na “mass resignation” ni DILG Secretary Benhur Abalos para linisin ang hanay ng Pambansang Kapulisan.
“As of yesterday, we were able to account more or less 500 to close to 600, as reported ng mga different regions. ‘Yung iba dito is enroute na papunta dito sa national headquarters because sila ang magko-collate lahat and then ipapasa ‘yan doon sa five-man committee,” wika ni Azurin sa isang press briefing.
Ayon sa PNP chief, humigit kumulang nasa 450 third level officer pa ang inaasahang maghahain ng courtesy resignation sa mga susunod na araw.
Nilinaw din ni Azurin na lahat ng naghain ng courtesy resignation ay subjected for investigation. Hindi rin umano exempted dito ang mga katulad niyang papa-retiro na.
Muling igin opisyal na wala na silang nakikitang ibang paraan kundi tumalima sa kautusan ng DILG at ni Pangulong Bongbong Marcos para matanggal ang agam-agam ng publiko laban sa mga ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa drug operations.
“Gaya nga ng sinabi natin, we are talking here of the career of a senior officer ng PNP who worked very hard in the last 30 years or more of their service,” giit ni Azurin.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.