Taong 2011 nang mabulabog ang grupo ng mga notoryus na mandurukot sa Lungsod ng Pasay partikular sa may rotonda.
Ito’y nang lumapit sa BITAG si alyas “Gary”, isang tipster. Kapitbahay niya raw mismo ang mga mandurukot o tinatawag na “players.”
Maging siya raw ay tinalo, hindi pinatawad at ilang beses na dinukutan ng grupo.
Paborito raw biktimahin ng mga kawatan ang mga nakasuot ng backpack o sling bag.
Sisimulan ng isang “spotter” kung saan sila ‘yung taga-nguso sa mga “striker” upang lapitan na ang biktima.
Ang “striker” meron ding “back-up player” na nakasunod sakaling “magmintis” ang unang striker.
Mabilis raw ang mga kamay at higit sa lahat, walang takot at alinlangan kung kumilos ang mga dorobo sa gitna ng maraming tao.
Kahit maraming traffic enforcer at pulis na tumatambay sa kanilang area of operation, sige lang sila sa kanilang “pamimitas”.
Agad nagkasa ng surveillance ang mga BITAG undercover upang kumpirmahin ang impormasyon binigay ni “Gary”.
Unang araw palang, natukoy na ng BITAG ang hugis ng mukha ng mga mandurukot at naidokumento ang kanilang kilos at galaw.
Napag-alaman din ng BITAG na ang mga mandurukot na ito, ay mismong mga sidewalk vendor din sa lugar. Aakalain mong mga simpleng naghahanap-buhay, pero naghihintay lang pala ng tamang tiyempo para makapitas o makadukot.
Pagbubunyag pa ni “Gary”, malakas ang loob ng mga ito dahil protektado umano sila ng isang maimpluwensyang “handler”.
“Ilang beses nang nilinis ang Pasay (Rotonda), barangay, pulis, traffic enforcer, walang nagawa dyan huhulihin nila tapos ng ilang oras iyan na naman sila nambibiktima na naman tutubusin lang sila ng mga grupo nila magkano lang naman ang piyansa nila nakakalabas agad,” sumbong ni Gary sa BITAG.
Iprinesenta ng BITAG sa National Capital Region Police Office – Regional Police Intelligence Unit (NCRPO-RPIOU) ang surveillance footage at ikinasa ang operasyon laban sa grupong ito.
Paanong nahulog sa BITAG ang mga mandurukot? PANOORIN ang ikinasang operasyon laban sa mga dorobong ito:
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.