Nilinaw ng Philippine Ambassador to China na nananatiling maayos ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga Pinoy na naninirahan dito sa kabila ng muling pagputok ng panibagong banta ng Covid-19 doon.
Sa ulat ng state-run radio station na Radyo Pilipinas, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz na wala pa silang natatanggap na ulat na mayroong OFW o Pinoy na nahawa sa bagong variant ng Covid.
Katunayan, mahigpit umano ang kanilang monitoring sa sitwasyon ng mga Pinoy doon upang maagapan sakaling may mapa-ulat na nahawa sa sakit.
Pinaalalahanan din ng mga OFWs na ‘wag munang gumala sa iba’t ibang lugar at panatilihin ang precautionary measures at pag-iingat sa katawan upang hindi magawa ng Covid-19.
Kung kinakailangan, mas mabuti anila na manatili sa bahay o sa iisang lugar ang mga Pinoy sa China upang hindi mahagip ng virus sa matataong lugar.
Sa ngayon, pinalakas na ng Chinese government ang kanilang contingency protocols para maawat ang pagdami ng Covid-19 cases.
Ayon sa ulat, muling simipa ang bilang ng Covid-19 cases sa China dahil sa pagkalat ng panibagong variant na mas mabilis makahawa sa iba.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.