Taong 2007, lumapit sa BITAG ang isang biyuda na ginang.
Iika-ika at halos hindi na makalakad dahil sa pananakit umano sa kanya ng kapitbahay na bodyguard raw ng Mayor ng Teresa, Rizal.
Ayon sa ginang na si Ermenilda, hindi na niya matiis ang pangha-harass ng bodyguard ni mayor.
Mula sa simple’t mababaw raw na alitan, nauwi na raw sa matinding sakitan ang kanilang away na magkapit-bahay.
Binato umano siya ng bodyguard ni Mayor ng malaking bato sa paa dahilan para mabalian ito ng buto.
Naapektuhan raw ang kanyang kabuhayan na siyang pumupuno sa pangangailangan araw-araw ng kaniyang mga anak.
Ayon sa Barangay Chairman ng Barangay Dalig, hindi nakaabot sa kanila ang reklamo ng ginang.
Si Mayor na raw mismo ang rumekta sa Chief of Police ng Teresa Rizal para pag-ayusin ang dalawang panig.
Dahil dito, minabuti ng BITAG na puntahan ang mismong tanggapan ni Mayor ng Teresa, Rizal upang makaharap ang inirereklamong bodyguard nito.
Kasama ang biktimang ginang, umaastang maangas pa rin ang bodyguard. Ang kaniyang pinapaderang si Mayor, hindi umubra sa angas ni Ben Tulfo.
Panoorin ang classic BITAG STYLE CONFRONTATION sa inirereklamo bodyguard.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.