Sa pagpasok ng 2023 muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga kababayan natin na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, hinihimok ang publiko na sumunod pa rin sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon sa tala DOH, mula January 2-8, 2023, mayroon 3,127 na bagong kaso ang naitala sa bansa o 447 average na kaso kada araw.
Mas mababa ito ng 9% kung ikukumpara sa mga kaso noong December 26-January 1.
Dagdag pa ng ahensya, mahigit 73 milyong indibidwal o 94.48% ng target na populasyon ang bakunado laban sa COVID-19. Habang nasa 21 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Hinihikayat pa din ang mga kababayan na panatilihin magsuot ng best-fitted face mask at manatili sa mga well-ventilated na mga lugar upang makaiwas sa banta ng sakit.
Payo ng DOH oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate upang hindi na kumalat ang virus.
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.