Taong 2022, iba’t-ibang sumbong ng pananakit at pang-aabuso sa mga delivery at service riders ang inilapit sa BITAG.
Patindi ng patindi ang sumbong ng mga pananakit. Dahil sa kawalan o kakulangan ng kanilang proteksiyon, isa ang BITAG sa kanilang nagiging takbuhan.
May mga pagkakataong kapag kinukuha namin ang panig ng mga inirereklamong customer, itinatanggi ang kanilang pananakit o pang-aabusong ginawa.
Ang matindi, sinisisi pa ang mga delivery at service riders sa kanilang sinapit. Na para bang pati pagkatao ng mga pobre ay binayaran nila.
Marami ang sinubukang lumusot, subalit sa tindi ng ebidensiya – mga video na kuha mismo ng mga biktima, hindi umuubra ang mga inirereklamong customers.
Sa pagbubukas ng 2023, halos dalawang dosenang shopee express delivery riders ang sabay-sabay na dumagsa sa aming tanggapan.
Matiyaga kong pinakinggan ang kanilang mga hinaing.
Kaawa-awa ang kanilang sumbong – simula daw Hunyo 2022, hindi sila nakakasahod ng maayos, walang mga benepisyo at incentives.
Pambihira naman, paano nakakatulog sa gabi ang may-ari ng manpower agency na may hawak sa mga riders na ito?
May mga bibig na pinapakain at binubuhay ang mga pobreng riders – ‘wag naman silang abusuhin!
Habang sinusulat ang kolum na ito, sinusubukan pa ring tawagan ng BITAG ang inirereklamong agency ng mga riders – ang Placer 8 HR Recruitment.
Walang sumasagot sa kanilang mga telepono sa opisina, maging mga HR Managers. Ayokong sabihing umiiwas subalit karaniwan itong reaksiyon ng mga kumpanyang inirereklamo.
Subalit may nakakasang aksiyon na ang BITAG katuwang ang Department of Labor and Employment sa sumbong na ito ng mga probreng riders.
Abangan sa #ipaBITAGmo sa YouTube Official BITAG Channel gayun din sa BITAG Live facebook Page.
Samantala, malaki ang papel na ginagampanan ng mga kumpanyang nirerepresenta ng mga delivery at service riders.
Sila ang unang puprotekta sa karapatan ng kanilang mga “partner riders.”
Oras na hindi kumilos ang mga kumpanyang ito para ipagtanggol ang kanilang mga riders, nandito ang BITAG para tumayo at kastiguhin ang mga abusado’t mapanakit na customers.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.