Masayang ibinalita ng ina na si Jeanie Pancho sa programang #ipaBITAGmo na matagumpay ang naging operasyon sa ulo ng kanyang tatlong gulang na anak na si Baby Freya.
“Magandang araw po. Update lang po ako about sa anak ko naoperahan na po siya natanggal na po ang bukol sa ulo niya. Maraming maraming salamat po sa inyo lalo na po kay sir Ben Tulfo at na-solve na ang problema about fundraising nung 2020, nakuha narin nang anak ko ang para sa kanya sobrang saya ko po. More power po sa BITAG,” sa isang text message na ipinadala ni Jeanie sa BITAG.
Nakaraang December 2022 ginawa ang operasyon sa Davao Doctors Hospital kay baby Freya, ipinanganak na may may rare condition na tinatawag na meningoencephalocele o hydrocephalus si baby Freya.
Matatandaang sa public service program ng BITAG na #ipaBITAGmo lumapit si Jeanie Pancho upang idulog ang kanyang problema sa nilapitang non-profit organization na nahanap niya sa social media.
Ang non-profit organization ay nangangalap daw ng pondo online para tumulong sa mga bata na may kaperahes na sitwasyon ni Baby Freya.
Dahil sa kondisyon ay nangangailangan daw ng agarang operasyon si baby Freya para tanggalin ang malaking bukol nito sa ulo.
Umabot daw ng mahigit P600, 000 ang halagang nalikom daw ng grupo para sa operasyon ni baby Freya.
Subalit hindi raw ito mapupunta ang kabuuang halaga para sa kaniyang anak. Dahilan para maantala ang operasyon ng bata.
Nagkaroon ng pagkakaton na makausap ng BITAG ang tumatayong representante ng grupo.
Ayon sa grupo, January 2021 nang magsimula silang lumikom ng donasyon o online fundraising na tumagal ng tatlong buwan.
Ang dahilan ng problema, buong imbestigasyon at aksiyon ng BITAG sa kasong ito, PANOORIN:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.