Hindi napigilan maglabas ng sama ng loob ni Mayor Marcelino “Marcy’ Teodoro sa mabagal na aksyon ng Department of Public Works and Highway – National Capital Region hinggil sa pinsalang dinulot sa bahagi ng Marikina Bridge habang isinasagawa Sumulong flood interceptor.
Sa panayam ng BITAG Media Digital kaninang umaga kay Mayor Teodoro, Enero 6, 2023 nang mabalitaan nila mula sa mga concern citizen ang mahabang bitak sa bangketa ng tulay.
Hindi agad aniya ito nireport sa kanila ng contractor ng proyekto na Anore Construction.
“Ang ginawa ng nila, binakuran, tinakpan lang nila ng tarpaulin, nung tinakpan nila lalo kaming nagduda kung ano yung ginagawa, para bang may tinatago pa sila. Yung oras na yun gusto ko sila ipadampot, ipakulong yung contractor. Nakita ko lang talaga na may emergency, dapat pagtulungan gawin kaya yung lang ang pumigil sa akin” pahayag ng alkalde.
Sa bisa ng Section 16, Republic Act 7160 o Local Government Code of the Philippines agad na pinahinto ni Mayor Teodoro ang proyekto ng DPWH. Nagpadala na din siya ng liham sa DPWH-NCR sa opisina ni Regional Director Loreta Malaluan hinggil sa immediate rectification o pagwawasto sa nasirang tulay.
Agad din na gumawa ng immediate repair sa structural damage ang DPWH sa pamamagitan ng paglagay ng buhangin o sand fill na mga bitak. Nagpadala din sila ng independent consultant upang magsagawa ng Geotechnical Investigation at tingnan ang structural integrity and soundness ng tulay.
“Ang malaking problema dito ay hindi pa inilalabas yung resulta ng findings ng Geotechnical Investigation dahil yun ang magbe-beripika, mag-sisiguro, mag-gagarantiya na yung tulay ay ligtas gamitin. Panawagan ko nga sa DPWH maging mabilis ang aksyon. Mag-iisang linggo na, kailangan meron na silang malinaw na aksyon.” dagdag pa ni Mayor Teodoro.
Nagbabala din si Mayor Teodoro na madaliang ayusin ang mga nasira ng kontraktor ng DPWH sa lalong madaling panahon o kakaharapin nila ang patong-patong na kasong Sibil, Kriminal at Administratibo.
“Nagagalit ako, hindi lang abala eh, yung endangerment of public safety sa buhay ng mga tao. Pinakamabigat na epekto nito yung sa kabuhayan namin dito sa Marikina. Nababalang pati yun delivery ng mga goods and commodities dito sa Marikina dahil major bridge ito critical lahat ay dumadaan dito.” pahayag ni Teodoro.
Kasalukuyan nang isasarado isang bahagi ng lane ng tulay patungong Quezon City at tanging mga light vehicles lamang ang pwedeng makadaan dito.
Nag abiso na rin ang Marikina City ng traffic rerouting scheme kung saan ang mga malalaking trucks ay pinadadaan sa Fernando Avenue patungong Marcos Highway bridge.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.