Makukuha at mababayaran na ang mahigit dalawang dosenang Shopee Xpress Riders sa kanilang mga sahod, incentives at back pay.
Ito’y matapos kalampagin ng public service program ng BITAG na #ipaBITAGmo ang inirereklamong agency na Placer 8 Logistic Express Incorporated. Gayundin ang mabilis na pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Mismong ang DOLE- Bureau of Working Conditions Division Chief ang naghatid ng magandang balita sa BITAG.
“Dahil po sa effort ng BITAG at ni Mr. Ben Tulfo, may maganda na pong balita sa reklamo ng mga delivery riders, inaayos na po ang cheke nila so bukas po ay pwede na pong kunin yung mga cheke para doon sa mga benepisyo, pumunta po sila sa opisina ng DOLE para makuha niyo na po, ready na po” paliwang ni Mr. Nicanor Bon sa BITAG.
Ngayong araw, Lunes, January 11, 2023, inere ng BITAG ang reklamo ng mga delivery riders sa live streaming ng #ipaBITAGmo.
Ayon sa mga delivery riders, simula daw June 2022 ay hindi sila pinapasahod ng kumpleto, walang mga benepisyo at incentives na ibinabayad ang kanilang manpower agency na Placer 8 Logistic Express Incorporated.
Sinubukang tawagan ng mga BITAG investigators ang opisina ng inirereklamong agency. Bagamat hindi ito sumagot sa mga tawag ay nagpadala ng statement ang Placer 8 sa pamamagitan ng pagsagot nila sa e-mail ng BITAG.
“At present, we are now addressing the concerns and issues raised by these riders who voluntarily resigned from their jobs. We are currently coordinating with the appropriate individuals to clarify things. Nevertheless, with all humility and respect, our company will answer the rider’s concern in the proper forum,” sagot ng Placer 8 Management Team sa e-mail.
Nakipagtulungan din ang BITAG sa lokal na pamahalaan ng Taguig kung saan nakarehistro ang inirereklamong agency. Nangako ang Taguig City Hall na tutulungan nila ang mga delivery riders na makahanap ng bagong trabaho.
Anila, “for the displaced employees po nila, we can refer them sa aming job fairs and TUPAD program with DOLE para ma-assist sila sa paghahanap ng work.”
Ipinarating rin ng BITAG ang reklamo ng mga delivery riders sa mismong pamunuan ng online shopping platform na Shopee.
Bago matapos ang programang #ipaBITAG mo ay nakatanggap ng text message ang BITAG mula sa isang representante raw ng Shopee. Ayon sa text message, kasalukuyan daw silang nakikipag-ugnayan sa kanilang partner agency upang maimbestigahan ang ‘late payment’ ng mga sahod at incentives sa mga delivery riders.
Narito ang buong pahayag ng Shopee:
We understand that some of the delivery riders providing services to Shopee Xpress (SPX) are voicing their frustration about late payment from their employer, which is one of our service providers. Our riders are important to us, and we are incredibly grateful for their support. SPX works with several service providers for delivery services. We pay these service providers on time and expect that they pay their employees on time as well. We are investigating the situation with the relevant service provider to promptly help resolve their riders’ concerns. We expect our service providers to adhere to all labor and employment laws.
Samantala, bagamat mababayaran na ang mga delivery riders na lumapit sa #ipaBITAGmo, may iba pang delivery riders mula sa iba’t-ibang panig ng bansa tulad ng Davao, Zambales, Pangasinan, Bulacan at Bohol ang kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa BITAG para ireklamo ang Placer 8 Logistic Express Incorporated
“Placer 8 patuloy kami nakatatanggap ng reklamo, baka mawalan kayo ng serbisyo baka mabwisit sainyo ang Shopee kaya sa mga Shopee riders na binabaliwala lumapit kayo sa BITAG dahil bukas ang aming tanggapan” panawagan ni Mr. Ben Tulfo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.