GUSTO kong magbigay pugay sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang walang pag-aalinlangan na pakikipagtulungan sa BITAG.
Mabilisan ang kanilang aksiyon sa inilapit naming sumbong nga mga Shopee Express Delivery Riders na lumapit sa tanggapan namin sa BITAG.
Sa unang bahagi ng kolum na ito, nabanggit ko na ang sumbong mga riders ay ‘di pagbayad ng kanilang mga sahod, mandatories at incentives simula pa raw Hunyo 2022.
Bagamat ang ilan sa kanila ay resigned na, patuloy pa rin ang pandededma sa kanila ng agency na Placer 8 Logistics Express Inc.
Ang unang nagging katanungan ng BITAG – sino ang may kasalanan sa kawawang sinapit ng mga riders – ang Shopee o ang agency?
Puspusan ang effort na ginawa ng BITAG para makuhanan ng panig ang inirereklamong agency gayundin ang Shopee.
Beat the clock, ilang minute bago umere ang #ipaBITAGmo sumagot ang inirereklamong Placer 8 sa pamamagitan ng e-mail. Narito ang kanilang statement:
Dear Sir/Ma’am,
Thank you for raising this concern to our attention.
At present, we are now addressing the concerns and issues raised by these riders who voluntarily resigned from their jobs. We are currently coordinating with the appropriate individuals to clarify things.
Nevertheless, with all humility and respect, our company will answer the rider’s concern in the proper forum.
Thank you and regards,
Proper forum ba kamo? Ano kaya kung ipatawag kayo sa Senado para sagutin ang reklamo ng mga empleyado niyong riders hindi lang sa Taguig kundi sa buong Pilipinas?
Mabuti na lamang, singbilis ng kidlat kumilos ang DOLE. Ayon kay kay DOLE-Bureau of Working Conditions Division Chief Nicanor Bon, agad silang nagpapunta ng inspector sa agency.
Sa a-12 ng Enero, Huwebes ay handa na ang chekeng pambayad para sa mga nagrereklamong rider.
Bago matapos ang aming programa at maaaring napanood na rin ng na Shopee, nagpadala ang online shopping platform ng isang text message sa BITAG:
We understand that some of the delivery riders providing services to Shopee Xpress (SPX) are voicing their frustration about late payment from their employer, which is one of our service providers. Our riders are important to us, and we are incredibly grateful for their support.
SPX works with several service providers for delivery services. We pay these service providers on time and expect that they pay their employees on time as well.
We are investigating the situation with the relevant service provider to promptly help resolve their riders’ concerns. We expect our service providers to adhere to all labor and employment laws.
Habang sinusulat ang kolum na ito, isa-isang nakatanggap ng text message ang mga nagrereklamong riders mula sa pamunuan ng Shopee bilang parte ng kanilang imbestigasyon.
Kasalukuyan, nakakatanggap pa ang BITAG ng mga reklamo sa iba pang riders na empleyado ng Placer 8 mula sa mga sumusunod na lugar: Davao, Zambales, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Bulacan, Bohol, Pasig at Tatay.
Nakahanda ang BITAG na kalampagin ulit ang mga nabanggit na otoridad at opisina para tulungan pa ang mga nagrereklamong riders.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.