Pinagsasaksak sa dibdib hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang misis sa Sarangani, Davao Occidental dahil lamang umano sa labis na selos.
Ayon sa ulat ng Sarangani Police, nangyari ang pananaksak noong Martes, Enero 10 sa Sitio Kaltipay, Brgy. Tucal, Sarangani.
Habang natutulog umano ang biktimang si Rizalyn Jose, 27, kasama ang mga anak, sinamantala ito ng kanyang asawang si Neritz Tapican Jose a.k.a “Renren”, 37, para ito ay pagsasaksakin.
Isinugod pa sa ospital si Rizalyn, pero dineklara itong dead-on-arrival dahil sa dami ng saksak sa katawan.
Ayon kay PCPT Giecarr June Villarin, agad ding nadakip ang suspek noong Miyerkules ng umaga dahil sa ikinasang follow up operation.
Narekober dito ang isang 17 inches na kutsilyo na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa kanyang misis.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Sarangani, ilang araw bago ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa dahil sa selos, pero hindi pa detalyado ang puno’t dulo nito.
Dahil sa krimen, sasampahan ang suspek ng kasong parricide.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.