Ibinasura ng Taguig City regional trial court (RTC) ang mosyon ng modelong si Deniece Cornejo laban sa paglaya ng actor-comedian na si Ferdinand “Vhong” Navarro.
Ayon sa online news portal na www.mb.com.ph, ang desisyon ng Taguig RTC ay inilabas ngayong Huwebes, Jan. 12, ni Judge Loralie Cruz Datahan.
Hiniling ni Cornejo sa Taguig RTC na bawiin ang inilabas na bail order pabor kay Navarro para maibalik sa kulungan ang aktor habang nililitis ang kaso nitong rape.
Sa desisyon ni Datahan, sinabi nito na “for lack of merit” ang hirit ni Cornejo sa korte na bawiin ang P1 million bail na inilabas para sa pansamantalang paglaya ni Navarro.
Hindi rin pinagbigyan ng korte ang hiling ng kampo ni Cornejo na mag-inhibit si Judge Datahan sa kasong isinampa laban sa aktor.
Matatandaang si Datahan ang naglabas ng desisyon noong Dec. 5, 2022 para payagang mag-lagak si Navarro ng P1 milyong piyansa.
“Time and again, the Supreme Court (SC) has emphasized that criminal actions shall be prosecuted under the direction and control of the prosecutor,” ayon sa desisyon ni Datahan.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.