Himas-rehas ang isang vlogger na German national matapos gawing content sa kanyang vlog ang sexual exploitation at pananamantala sa isang menor-de-edad na babae sa Muntinlupa City.
Mismong si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang nagbalita sa kanyang Facebook account kahapon (Jan. 11) na naaresto na ang German national na nakilala lamang sa kanyang vlog at screen name na alyas “Mr. Pogi German”.
Sinabi ni Biazon na base sa kanyang napanood na vlog ng dayuhan, makikitang pinagsamantalahan ng vlogger ang pangangailangan ng biktimang babae.
“Naaresto na ang foreign national na kilala bilang “MR Pogi German” at ginawang content ang pag-pick up sa isang menor de edad na babae dito sa ating lungsod. Base sa video, mukhang napagsamantalahan niya ang pangangailangan ng nasabing babae,” ani Biazon sa kanyang Facebook post.
Ayon kay Biazon, nadakip ng operatiba ng Muntinlupa Police ang suspek sa pangunguna ni PCol. Angel Garcillano.
“In less than 24 hours mula nang nagpahayag tayo ng statement tungkol sa ginawa ng nasabing foreign national, nahuli na nila ang dayuhan. Salamat sa PNP-Muntinlupa led by PCol. Angel Garcillano sa mabilis na aksyon,” giit ng alkalde.
Hinikayat ni Biazon ang Muntinlupa City Council na ideklarang persona non grata ang vlogger na dayuhan upang hindi na ito pwedeng tumapak sa teritoryo ng siyudad.
Giit ni Biazon, dapat magsilbi itong babala sa lahat na hindi kinukunsinti ng Muntinlupa city government ang anumang uri ng kalaswaan, pananamantala o pang-aabuso sa mga kababaihan.
“Hindi natin tino-tolerate ang ganitong klaseng mga activity. This also serves as a warning to all other persons na engaged sa ganito; kung ganyang klaseng content din ang gagawin nila, wag na nilang pagtangkaan pa.”
Samantala, ipinag-utos ni Biazon na isailalim sa psychological assessment ang menor-de-edad na biktima ng dayuhan at pagkakalooban ito ng kaukulang tulong ng lokal na pamahalaan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.