TALAGANG sakit sa ulo ang dulot kapag nataunan ka ng tinatawag na “lemons.”
Ito ‘yung mga sasakyang brand new na nabili sa dealer pero agad nagkaroon ng problema o dispalinghado kung tawagin.
Ramdam ko ang disgusto ng public teacher mula Antipolo na lumapit sa BITAG. Bumili siya ng brand new Kawasaki motorcycle nakaraang a-26 ng Disyembre taong 2022.
Ang problema, ilang metro pa lamang ang kanilang layo sa dealer ay bumigay ang bagung-bagong motorsiklo.
Sinubukan umano niyang humingi ng tulong sa dealer na pinagbilhan subalit kinabukasan pa siya nito tinulungan.
Ang masaklap – hindi puwedeng ibalik, hindi puwedeng palitan ang motorsiklo at lalung-lalo nang hindi puwedeng irefer ang ibinayad ng guro.
Sino nga ba naman ang hindi madidismaya o magagalit, binayaran mo ng tumataginting na P94,000 cash ang brand new motorcycle, pero dispalinghado?!
Akala pa naman daw ng guro ay makakatulong na ang motorsiklo para makapasok siya araw-araw mula sa kaniyang bahay na nasa bundok pa, pababa ng eskuwelahang pinagtuturuan.
Sa ilalim ng Republic Act 10642 na may kinalaman sa Lemon Law ng Pilipinas, may karapatan ang manufacturer o dealer na kumpunihin o i-repair ang dispalinghadong sasakyan.
Kapag umabot sa maximum 4 attempts na hindi na maayos ang sasakyan ay saka pa lamang makakapanghimasok ang Department of Trade and Industry (DTI).
Sa DTI, dalawa ang maaaring puntahan. Magsisimula sa mediation kung saan pag-uusapin ang dalawang panig o aabot pa sa adjudication oras na’di magkaroon ng kasunduan.
Ang problema, hindi sakop ng Lemon Law ang mga motorsiklo.
Maraming nabibiktima ng mga lemons, lalo na ‘yung hindi talaga maalam sa teknikal o mekanikal na aspeto pagdating sa mga sasakyan.
May mga brand na tukoy ng sirain lalo kapag bagong bili pa lamang – hindi na dapat pinahihintulutan ang mga ganitong produkto kung perwisyo lamang ang dulot.
Oo nga naman, kaya mo binili para makatulong sa buhay. Hindi para dumagdag sa problema’t sakit sa ulo.
Malas lang ni teacher, sa kaniya napunta ang palpak na produkto.
Kasalukuyang dinidinig na sa DTI ang sumbong na ito. Nakatutok ang BITAG sa kalalabasan ng pag-uusap ng inirereklamong dealer at nagrereklamong si Teacher.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.