Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Army matapos mang-hold up sa isang pawnshop sa GMA, Cavite noong January 11, 2023 bandang 1:15 ng hapon.
Nakilala ang suspek na si Michael Comutohan y Padilla, 47 years old, VIP Security, at residente ng Brgy Milagrosa, Carmona, Cavite.
Ayon kay PLTCOL Richard Dones Corpuz sa BITAG Media Digital, nangyari ang insidente sa RD Pawnshop sa Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.
Tinutukan umano ng suspek ang biktimang si Ma. Theresa Pinadera Azucena at nagdeklara ng hold-up. Nakuha aniya sa kanya Php 16, 000 cash, mga alahas at cellphone.
Sa tulong naman ng isang isang concerned citizen na lumapit sa mga pulis, nasundan nito ang mga dinaanan lugar ng suspek.
Sa isinagawang hot pursuit operation, natukoy ang kinaroonan ng suspek sa bahay nito.
Narekober sa suspek ang isang (1) unit Glock 23 Caliber .40, chamber loaded at defaced serial number; 2 magazines na may 24 live ammunition; tatlong (3) units mobile phones; Php15,130.00; isang (1) hand grenade; tatlong (3) plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu; 1 piece Tactical Shirt at Tactical long pants; Sling Bag, at different Identification Cards.
Dagdag pa ni Plt. Col. Corpuz, isang araw bago ang insidente, nang hold up din ng isa pang pawnshop sa Makati Camutohan ang suspek.
Kasalukuyang nakakulong si Comutohan sa GMA Municipal Police Station at sasampahan ng kasong Robbery at Possession of illegal drugs.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.