Patay ang isang lalaki matapos pumalag at makipagbarilan sa mga pulis sa isang drug bust operation laban sa kanya sa sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.
Kinilala ang napatay na suspek na si Jordan Cedie Balana, alyas “Cedie” 40 hanggang 45 years old at itinuturong nasa top 4 street level individual sa illegal drugs ng Quezon City at miyembro din umano ng isang armed robbery group.
Ayon sa report ng PltCol. Ian Ang, Station Commander ng Police Station 11, dakong alas-10 ng gabi noong January 11, kumagat sa inilatag na buy bust operation ang mga suspek sa kahabaan ng 14th Street, Sta. Cecelia, Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.
Habang isinasagawa ang transaksyon, nakatunog si Balana na mga pulis ang kanyang katransaksyon.
Agad siyang bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba.
Agad namang nakatakas ang kasama nito na kinilalang si Benjie Valencia gamit ang motor na walang plaka.
Narekober mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may DDB value na Php 34,000, isang (1) calibre ng .38 revolver na walang serial number, mga bala, at tatlong piraso ng genuine Five Hundred Peso Bill na may kasamang dalawang pirasong Fake Five Hundred Peso na budol money.
Kasalukuyan nagsasagawa ng follow up operation ang mga operatiba para madakip si Valencia.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.