Lumapit ang public school teacher na si Aida Cocoy sa #ipaBITAGmo upang ireklamo ang biniling brand new Kawasaki motorcycle sa Motortrade Montalban, Rizal branch. Hindi pa umano natatapos ang araw ng bilhin nita ang motor ay agad itong nasira.
Ayon kay teacher Aida, binili naya ang motorsiklo para may magamit bilang service papasok at pauwi galing ng eskwelahan.
“Ang mga tao doon sa amin may single na motor o habal, so ako parang nahihiya ako minsan na lagi na lang ako nakikisabay or minsan nag-aabang ako ng masasakyan hindi ko alam kung makakapasok ba ako o hindi kaya pinilit ko talaga na makabili ng sarili kong motor” paliwanag ni Teacher Aida sa BITAG.
Binili ni Aida ang motorsiklo nog December 26, 2022 sa halagang P94,000. Ipinangutang pa raw ng guro ang perang pinambili kaya’t laking dismaya niya na imbes makatulong ay nagdulot pa raw ito ng katakut-takot na problema at perwisyo.
“Mula sa Motortrade nung binili namin, siguro mga 20 mins lang, huminto kami saglit para kumain, nung aalis na kami napansin ko hindi na umaandar yung motor.”
“Ang bungad sa akin ng assistant manager noong December 27, kapag inilabas na daw hindi na daw pwedeng palitan. Jusko po sir, mudmod na ang mata ko sir kakaiyak ng araw na ‘yun” sumbong ni Teacher Aida kay Mr. Ben Tulfo.
Upang masolusyunan ang kanyang reklamo ay tinawagan ng BITAG ang Motortrade Montalban Branch. Ayon sa Manager na si Jennifer Manalastas agad naman raw nilang itinawag sa Kawasaki ang nangyari sa motorsiklo ni teacher Aida.
“Under warranty po siya nandito na po yung motor sa aming branch at good condition na po yung motor” paliwanag ng Manager ng Motortrade.
“Sa inyo po ay good condition pero kay Mam Aida, bad condition na ‘yan. Papalitan niyo ba ang motorsiklo o ire-refund niyo ang pera ng nagrereklamo,” tanong ni Mr. Tulfo sa Manager. Ikokonsulta raw ng Manager na si Manalastas ang refund o change unit sa kataas-taasang management ng Motortrade.
Samantala, kinumpirma ng Kawasaki Philippines na agad nilang naayos ang problema sa motorsiklo ni Teacher Aida at maaari na itong gamitin ng guro.
“Paano kapag nasira ulit ang motor? Ibabalik ulit sa inyo? Mananawa ang ating mga konsyumer kapapalit ng piyesa ng mga siraing motorsiklo,” ani ni Tulfo sa representante ng Kawasaki Philippines.
Alanganin na raw si Teacher Aida na kunin ang kinumpuning motorsiklo. Kaya’t para matulungan si Teacher Aida, inilapit din ng BITAG ang kanyang reklamo sa Department of Trade and Industry (DTI).
“Ang mga consumer complaints ay agad tinutugunan ng DTI, tatawagan namin siya at ise-set naming for mediation dahil sa procedure ng consumer complaints resolution dalawang stage po, yung mediation kung saan paghaharapin si mam Aida at yung Motortrade Dealership, pwedeng magkaroon ng amicable settlement or pwede rin umabot sa adjudication, rest assured na tutulong po kami” ani ni Mrs. Cleotilde Duran, Provincial Director ng DTI-Rizal.
Ang kabuuan ng sumbong ni Teacher at imbestigasyon ng BITAG, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.