Taong 2021 nang makatanggap si Aling Imelda mula Cuyapo, Nueva Ecija ng limang libong pisong ayuda mula 4P’S o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Pamahalaan.
Ginamit niya ang pera bilang puhunan sa negosyo at napalago niya ang pagtitinda ng mga gulay, prutas at mga ulam.
Para makatulong din sa kanyang mga suki na mahihirap ay pumayag si Imelda na “ipa-lista” muna o magpa-utang ng kaniyang mga paninda.
Ayon kay Imelda, isa sa kaniyang mga suki ay umutang daw ng anim na libong piso na halaga ng gulay at mga isda. Nakabayad naman daw ito ng paunang P4,000.
Ang natirang balance naman na P2,000 ay natagalan umano sa pagbayad. Kalmado at maayos naman daw na siningil ni Aling Imelda ang nasabing suki.
Subalit sa kalagitnaan daw ng kaniyang pagsingil ay nagkaroon sila ng maliit na pagtatalo ng kaniyang suki. Makalipas ang dalawang oras ay nalaman ni Aling Imelda na inatake sa puso ang sinisingil na suki.
Si Aling Imelda umano ang sinisisi ng pamilya ng kaniyang suki sa pagkamatay nito. Nabu-bully din daw si Aling Imelda sa kanilang barangay nang kumalat ang balita na siya ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang suki.
Nakausap ng BITAG ang naiwang pamilya ng suki ni Aling Imelda. Namagitan ang BITAG para magkausap at magka-ayos ang dalawang panig upang matigil na ang sisihan.
“Namatay si Nanay [niyo] dahil sa natural death, naningil si Imelda dahil sa kanyang pangangailangan, hindi niya naman intensyon na magalit at atakihin sa puso ang nanay mo, sana nakatulong ang BITAG na malinawan ang isyu na ito” paliwanag ni Mr. Ben Tulfo.
Ang buong payo ni Ben Tulfo na nakatulong para mag-ayos ang dalawang panig, panoorin;
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.