Kung may isang bagay na ipinagpapasalamat sa langit ang 76-anyos na si Miguel Ofrin ng Sta. Rosa, Laguna, ito raw ang tila pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos matapos siyang ma-mild stroke taong 2014.
Ayon kay Miguela, itinakbo raw siya ng kanyang pamilya sa ospital matapos niyang makaramdam ng biglaang pagkahilo at pagsusuka.
“Hindi ko nga alam kung paano ako na-stroke e. Nag wawalis lang ako. Nung ako’y nagwawalis naramdaman ko nalang na ako’y parang hilo-hilo. Maya-maya nakita ko nalang yung sarili ko nagsusuka na ako,” kwento ni Miguela
Sa ospital, napag alaman na pumalo ng 250 ang blood pressure ni Miguela na naging sanhi ng kanyang pagkakaroon ng mild stroke.
“Nabulol ako saka sobrang nanlata parang gulay. Hindi ko maigalaw ng maayos yung katawan ko. Hindi ko na nagagawa yung mga dating ginagawa ko tulad ng paglilinis saka paglalaba.”
Ang dagok na ito sa kanyang buhay, isinisisi raw ni Miguela sa kanyang mga paboritong mga pagkain.
“Mahilig ako sa matataba, yung nilagang pata, bulalo, basta yung masarap,” wika ni Miguela. “Wala akong paki noon basta gusto ko kakainin ko.”
Agad din naman daw bumalik sa normal na kalagayan si Miguela. Subalit magmula noon, natuto raw siyang mas pangalagaan ang kanyang kalusugan pagdating sa mga pagkain at pag inom ng mga gamot.
Ayon sa mga eksperto, ang mild stroke –kilala rin sa tawag na transient ischemic attack o ministroke –ay panandaliang pagbabara ng daloy ng dugo sa utak.
Ang mga pasyenteng tinamaan ng mildstroke ay maaaring makaranas ng panandaliang mga sintomas ng regular na stroke subalit hindi ito nagdudulot ng permanenteng kapansanan.
Kusa din naman bumabalik sa normal ang daloy ng dugo sa utak ng isang taong na mild stroke sa loob ng bente kwatro oras (24 hours).
Upang makaiwas sa stroke, payo ng isang espesyalista na “I-monitor palagi ang presyon ng dugo. Kailangan kontrolado ang blood pressure ng pasyente at mahalaga rin na inumin ang nito ang kanyang mga maintenance medicine. Higit sa lahat, agad na magpakonsulta kapag may nararamdaman”
Si Miguela ay isa sa mga nagbahagi ng kanyang istorya ng pag asa at ginhawa sa tulong ng Kings Premium 825ml sa programang TOTOO na tumatampok sa kwento ng mga totoong tao na may totoong karamdaman.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.