Ito ang mga katagang binitawan ng investigative journalist at #ipaBITAGmo program host na si Ben Tulfo sa isang 20-anyos na nambugbog ng 15-anyos na binatilyo.
Ang pambubugbog ay nakuhanan ng CCTV Camera ng tindahang pinangyarihan ng krimen. Nakita sa CCTV na 3 beses binalik-balikan at paulit-ulit na pinagsusuntok na tila punching bag ang biktima.
Ang ina ng biktima na si Marie Belleza, ay lumapit sa BITAG para ipaabot ang sinapit ng kaniyang menor-de-edad na anak.
Dahil single mother, mag-isang tinataguyod ni Marie ang apat niyang anak.
Noong gabi daw na pinangyarihan ng krimen ay inutusan umano ni Marie ang kaniyang anak na si Alyas Mark na bumili ng tuyo sa tindahan. Laking gulat daw niya ng umuwing bugbog sarado at lupaypay ang kanyang anak.
Napagtripan daw ang kanyang anak ng suspek na si Jay Suarez, 20-anyos.
“Wala naman po siyang ambag sa buhay namin tapos sasaktan niya yung anak ko” umiiyak na kwento ni Marie sa BITAG.
Ayon kay Marie, binisita daw siya ng mga kamag-anak ni Suarez ngunit imbes na humingi ito ng tawad ay tinakot pa daw ang kanilang pamilya.
“Yung nanay nagpakilala po na nagtatrabaho sa barangay at yung tita nagtatrabaho sa cityhall, ang sabi po nila sa amin ‘mahirap kumilos kapag maliit ang gagalawan at pwede daw pong baliktarin ang kaso” paliwang ni Marie.
Unang tinawagan ng BITAG ang ina ng nambugbog. Ayon sa kaniya, kung maaga niya lamang daw nalaman ang ginawa ng kaniyang anak ay siya mismo ang magsusuko nito sa mga otoridad.
Dahil nasa tamang edad na ay minabuti ni Tulfo na hanapin at kausapin sa telepono ang mismong inirereklamo na si Suarez.
“Mabuti humarap ka ngayon, sa tingin mo ay tama ang ginawa mo? Kung hindi ka kayang dispilinahin ng magulang mo, ako ang didisiplina sa’yo. Tutal ang lenggwahe mo ay pananakit, ano kaya kung gulpihin ka din. Kung hindi ka takot sa mga otoridad, matakot ka sa akin,” kastigo ni Tulfo.
Ayon sa mga pulis, noong gabi ding ‘yun ay rumesponde sila sa lugar ng krimen subalit nakapagtago na ang suspek na si Suarez kaya’t hindi ito naaresto.
Kasalukuyan, nakasampa na ang mga kasong kriminal laban sa nambugbog na si Suarez at 2 patawag sa piskalya ang nakatakda para sa buwang ito.
Ang buong mensahe ng BITAG sa suspek at sa pamilya nito, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.