Taong 2005, naging talamak ang bentahan ng mga pekeng medesina sa bansa.
Isa sa mga sindikatong nasa likod nito, nahulog sa patibong ng BITAG.
Ang medical representative na nagbigay ng tip sa BITAG, isinumbong ang kaniyang amo na nangngangalang si Peter Guevarra na siyang utak ng sindikatong nagpapakalat ng mga pekeng gamot sa Northern Luzon.
Ayon sa intel na ipinaabot niya sa BITAG, binebenta umano ang mga pekeng gamot at vitamins sa mga maliliit na botika gayundin sa mga doktor na may maliit na klinika.
Para maging kapani-paniwala ang kanilang operasyon, gumagamit daw sila ng mga bogus na medical representative para ilako ang kanilang mga pekeng gamot.
“Siya (Guevarra) yung nag finance, siya yun namumuhunan sa mga materyales ng pekeng gamot. May mga ahente siya, kalat yun sa Guagua, Pampanga. Meron silang kanya-kanyang bodega. Ilalagay lang nila lahat ng ingredients sa isang batya tapos meron silang mga capsules na walang laman, dun nila ifo-formulate yun, cornstarch mga dinurog na gamot. Meron din silang mga totoong medicines na binebenta kaso expired na yun pinapalitan lang nila ng expiration date.”
Ibinulgar din niya na maging ang mga labels ng mga gamot ay sa mga computer shop lang daw nila ito pinapagawa at in-imprenta.
Matapos makumpleto ang mga ebidensiyang nakuhanan sa pamamagitan ng undercover operation ng BITAG, inilapit ito sa National Bureau of Investigation-National Capial Region (NBI-NCR).
Matagumpay na naikasa ang operasyon kung saan nasakote ang leader na si Peter Guevarra at kaniyang factory ng fake medicines sa Pampanga.
Nakatawag ng pansin ni Ben Tulfo ang isang brand ng maintenance medicine para sa mga may altapresyon na binebenta ni Guevarra.
“Maraming may sakit na high blood, paniwala na ang ganitong klaseng gamot, makokontrol ang dugo nila, mai-stroke na lang sila, dahil peke yung binibigay mo, luku-luko ka!”.
Panoorin at balikan kung papaano nahulog sa patibong ang mga sindikato nasa likod ng mga pinepekeng gamot sa BITAG CLASSIC.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.