Sa kasagsagan ng paghahanda ng pagdiriwang ng Sinulog Festival, natimbog ng mga operatiba ang isang High Profile Individual noong January 13, 2023 sa Cebu City.
Kinilala ni Police Regional Office 7 Director PBGen. Jerry Bearis ang suspek na si Rafael Carnicel alyas ‘Raprap’ , 21, residente ng Brgy. Pasil, Cebu City.
Sa ulat, dakong alas-9:35 ng gabi ng Biyernes nang dakpin ang mga suspek ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Liloan Municipal Police Station sa Sitio Magsaysay, Brgy. Pasil, Cebu City bandang 9:35 ng gabi.
Nahuli sa suspek ang kabuuang 1,050 gramo ng hinihinalang ‘shabu’ na tinatayang nagkakahalaga ng PhP7,140,000.00.
Dagdag pa ni PBGen. Bearis, matagal nang nasa surveillance list ng mga operatiba ang HVI na suspek na nag ooperate umano sa Consolacion, Liloan, Cebu City, Minglanilla, and Talisay City.
Bukod sa mga droga, nakumpiska din sa kanya ang buy-bust money, sling bag, paper bag at cellular phone na ginagamit niya sa kanyang mga transaksyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.