NAGLABASAN at dinagsa ang BITAG ng mga reklamo laban sa Placer 8 Logistics Express matapos naming maipalabas ang sumbong ng halos 2 dosenang riders mula sa Taguig.
Bagamat nabayaran na ang mga nagrereklamong Shopee express delivery riders na lumapit sa BITAG, hindi pa natapos ang problema.
Sunod-sunod na nagsulputan sa aming tanggapan ang grupo-grupong delivery riders mula sa iba’t-ibang hub sa Pilipinas na hawak ng Placer 8.
Walang pinag-iba sa kanilang mga sumbong. Kapareho noong mga unang nagrereklamo – hindi rin binabayaran ang kanilang mga sahod, incentives at maging mandatories.
For the record, sinubukang kausapin ng BITAG ang representante ng Placer 8 na sumipot sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Las Piñas Office noong araw ng bayaran.
Tumanggi ang mga ito na magpa-on cam o magpa-interview ng may camera o live sa amin.
Pero may sinabi ito sa aming investigator na kaniyang kausap noong mga oras na ‘yun.
Hindi raw totoo ang sinabi ng Shopee management sa kanilang statement na pinalabas sa media. Ang tanong, alin ba statement ang hindi totoo?
Kulang na lang sabihin ng Placer 8– sinungaling ang Shopee.
Isa umano sa mga problemang pinaplantsa ng inirereklamong agency ngayon ay ang mass resignation na isinagawa umano ng kanilang mga riders.
Paanong hindi magreresign ang mga pobreng driver, kung walang sinasahod – anong ipapakain nila sa kanilang pamilya?
Maghapon na ngang nasa kalsada, kung minsan ay napapagbuntunan pa sila ng galit ng mga kostumer. Kung hindi minumura ay nasasaktan pa.
Nakakaawa ang hinaing ng mga riders nang makausap sila ng BITAG. Matagal na sila nagtitiis para sa kanilang pamilya, subalit ngayon lang nabigyan ng pagkakataong marinig ang kanilang mga pagdurusa.
Sinadya o hindi man ang dahilan ng problema – kapabayaan o tangkang pang-aabuso man, ang laging kawawa sa ganitong mga sitwasyon ay ang mga empleyado sa baba na nagtatrabaho para sa kumpanya.
Ano kayang susunod na hakbang ng Shopee sa mass resignation na ito ng mga riders? Baka kailangan ng reviewhin ang kontrata ng inyong mga accredited manpower o service agencies.
Shopee, paano na? Sigurado, nagpipiyesta ngayon ang Lazada!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.