Umiiyak na dumating sa tanggapan ng BITAG Multimedia Network ang 75-taong gulang na si Eduardo Saldivar, isang Pastor at tricycle driver.
Kasama ang kaniyang anak na babae, ipinakita ni Pastor Eduardo sa BITAG ang isang video na kuha sa CCTV sa kahabaan ng Tomas Morato St. sa Quezon City.
Laman ng video ang isang taxi driver na huminto sa gitna ng kalsada para pulutin ang isang wallet. Nakita rin ang paglapit ng isang tricycle driver na tila sinasaway ang taxi driver.
Nang sawayin ay dali-dali itong umalis at pinatakbo ang kaniyang taxi.
Ayon kay Pastor, sa kaniya ang wallet na pinulot ng taxi driver. Ang tricycle driver naman na sumasaway ay kaniyang kasamahan sa Toda at pilit umanong kinukuha ang kaniyang wallet sa kamay ng taxi driver.
Nais lamang daw ni Pastor Eduardo na ipanawagan ang pagkakakilanlan ng taxi driver na kumuha ng kaniyang wallet na may lamang P5,000 kahit na sinaway na raw ito ng kaniyang kasamahan.
Matagal umanong pinag-ipunan ni Pastor ang pera mula sa kaniyang pagtatraysikel para sa kaniyang pamilya.
Nakausap ng BITAG si Rodolfo Bejison, ang kasamahang tricycle driver ni Pastor na kumausap sa taxi driver. Ayaw daw nitong ibalik ang napulot na wallet.
“Lumapit po ako agad sa taxi driver, ang sabi ko, boss kilala ko yung may-ari isauli na lang natin ngayon po sabi ng taxi mag-usap na lang sa barangay pero po tumakbo na po yung taxi driver” paliwanag ni Rodolfo sa BITAG.
Tumawag ang BITAG sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB upang idulog ang mga pwedeng hakbang na gawin upang matulungan si Pastor Eduardo.
“Papadalhan po ng summon yung operator para mapalitaw niya yung driver na nakapulot” ayon kay Mr. Joel Bolano, ang chief ng Technical Division ng LTFRB.
Ipinaliwanag din LTFRB na obligasyon ng mga operator na piliin, i-background check at siguraduhing maayos ang kanilang mga driver na kinukuha.
Samantala, binigyan diin ni Mr. Ben Tulfo ang kahalagahan ng pagsasauli ng mga bagay na hindi natin pagmamay-ari.
“Sa driver ng taxi na ito, dahil lang sa limang libo na nadampot mo, sasakit ang ulo mo dahil sa BITAG, kapag hindi sa inyo at nakita niyo lang, sinaway na nga kayo dahil kilala naman yung nagmamay-ari at pinagpilitan niyo pa rin na sa inyo ‘yan, pagnanakaw na ‘yan. May mga tao talagang walang kaluluwa, makapal ang mukha, ibalik kapag hindi sa atin” ayon kay Mr. Ben Tulfo
Ang kabuuan ng imbestigasyon at aksiyon ng BITAG sa reklamong ito, panoorin;
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.