Isang modus ang bumibiktima ng mga maliliit na negosyante ang lumaganap, Pasko ng 2022 at Bagong Taon ng 2023.
Ilan sa mga biktima, lumapit sa public service program na #ipaBITAGmo. Ang tagapag-salita ng grupo ng mga biktima na si Judelin Delgado, personal na pumunta sa tanggapan ng BITAG.
Si Judelin ay isang online seller. Doble kayod daw siya nitong nagdaang pasko sa pagtitinda upang kumita pa ng extra.
At dahil pasko, naisipan niyang mag benta ng hamon na patok sa panahon ng holidays.
Ang kaniyang inorder na paninda sa isa umanong public school teacher sa. Bicol na nagpakilalang dealer ng mga ham ay umabot sa halagang P224,000.
“Nung December 16 po dapat dumating ang mga order na Ham tapos sabi niya, pinakiusapan niya kami na kung pwede maglabas muna kami ng pera or umutang muna kami sa ibang tao muna” kwento ng nagrereklamong si Judelin sa BITAG.
Nangako daw ang guro na maidedeliver ang mga order niyang ham bago magPasko. Subalit hanggang umabot na ng taong 2023, wala pa rin ang mga ham na inorder ni Judelin.
Habang iniimbestigahan ni Mr. Ben Tulfo ang reklamo ni Judelin, naging matapat ang host at sinabing mukhang na-scam si Judelin dahil kahinahinala ang mga naging transaksyon ni Judelin sa nasabing guro.
“May naamoy ako dito, nagiging pattern na ito sa tuwing pasko, ang mga ham lalo na yung kilala. Hindi ‘yan basta-basta binebenta, its either oorder sa mga malalaking supermarket. Bawal yung mga empleyado ng manufacturer niyang ham na basta magbenta-benta” paliwanag ni Mr. Ben Tulfo.
“Ako ay nagtataka, paano makakapagbenta itong teacher eh hindi naman siya authorized dealer to sell. Ang masama pa dito kumuha siya ng downpayment pero hindi na deliver ” dagdag ni Mr. Ben Tulfo.
Sinubukan kuhanan ng BITAG ang panig ng inirereklamong guro ngunit tumanggi ito. Nagiwan ito ng mensahe sa kaniyang mga biktima na haharapin na lang niya ang reklamo sa korte.
Taong 2022, isang grupo rin ng mga biktima ang lumapit sa BITAG sa kaparehong modus. Ang inirereklamo, empleyado na mismo ng manufacturing company ng sikat na ham at kasapakat na manager ng isang kilalang supermarket.
Hindi rin naibigay sa mga resellers and mga binayarang produktong holiday ham.
Para sa buong imbestigasyon ng BITAG sa sumbong na ito, alamin kung paano makaiwas na mabiktima, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.